To give you the best possible experience, this site uses cookies. Review our Privacy Policy and Terms of Service to learn more.
Entendi!
Player FM - Internet Radio Done Right
Checked 6d ago
Adicionado há quatro anos atrás
Conteúdo fornecido por 105.9 True FM. Todo o conteúdo do podcast, incluindo episódios, gráficos e descrições de podcast, é carregado e fornecido diretamente por 105.9 True FM ou por seu parceiro de plataforma de podcast. Se você acredita que alguém está usando seu trabalho protegido por direitos autorais sem sua permissão, siga o processo descrito aqui https://pt.player.fm/legal.
Player FM - Aplicativo de podcast Fique off-line com o app Player FM !
At the dawn of the social media era, Belle Gibson became a pioneering wellness influencer - telling the world how she beat cancer with an alternative diet. Her bestselling cookbook and online app provided her success, respect, and a connection to the cancer-battling influencer she admired the most. But a curious journalist with a sick wife began asking questions that even those closest to Belle began to wonder. Was the online star faking her cancer and fooling the world? Kaitlyn Dever stars in the Netflix hit series Apple Cider Vinegar . Inspired by true events, the dramatized story follows Belle’s journey from self-styled wellness thought leader to disgraced con artist. It also explores themes of hope and acceptance - and how far we’ll go to maintain it. In this episode of You Can't Make This Up, host Rebecca Lavoie interviews executive producer Samantha Strauss. SPOILER ALERT! If you haven't watched Apple Cider Vinegar yet, make sure to add it to your watch-list before listening on. Listen to more from Netflix Podcasts .…
Conteúdo fornecido por 105.9 True FM. Todo o conteúdo do podcast, incluindo episódios, gráficos e descrições de podcast, é carregado e fornecido diretamente por 105.9 True FM ou por seu parceiro de plataforma de podcast. Se você acredita que alguém está usando seu trabalho protegido por direitos autorais sem sua permissão, siga o processo descrito aqui https://pt.player.fm/legal.
Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!
Conteúdo fornecido por 105.9 True FM. Todo o conteúdo do podcast, incluindo episódios, gráficos e descrições de podcast, é carregado e fornecido diretamente por 105.9 True FM ou por seu parceiro de plataforma de podcast. Se você acredita que alguém está usando seu trabalho protegido por direitos autorais sem sua permissão, siga o processo descrito aqui https://pt.player.fm/legal.
Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!
Sa huling araw ng sesyon ng Kongreso, bago ang kanilang recess para sa Halalan, nilagdaan ng 215 na mga Kongresista ang Verified Complaint for Impeachment para papanagutin si Vice President Sara Duterte sa anila'y Culpable Violation of the Constitution, Betrayal of Public Trust, Graft and Corruption, and other High Crimes. Kung inabot ng dalawang buwan bago tuluyang ma-impeach ng Kamara ang Bise Presidente, ilang araw, linggo, buwan, o taon naman kaya ang bibilangin para magsimula ang Senado sa proseso ng impeachment trial? Pinagdedebatehan ngayon ang nakasaad sa ating Konstitusyon kaugnay sa proseso ng impeachment na sinasabing pagkatapos pagbotohan ng 1/3 ng mga miyembro ng Kamara ang resolusyon na naglalaman ng Articles of Impeachment, trial by Senate shall forthwith proceed–dapat isunod agad ang paglilitis ng Senado. Subalit iwinawaksi ng liderato ng Senado ang suhestyon sa pagpapatawag ng special session para aksyunan ang impeachment complaint. Sa halip na isunod agad o gawin agad ay tila pinatatagal ang pagsisimula ng proseso ng impeachment trial. Bakit kaya? Think about it. #TedFailonAndDJChaCha #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV…
Walang habas at hindi na natitigil ang korapsyon sa Pilipinas na siyang dahilan ng patuloy na paghihirap ng napakaraming pamilyang Pilipino. Kaya isang mambabatas ang nagsusulong ng batas na magpapataw ng death penalty sa pamamagitan ng firing squad, para sa mga opisyal ng pamahalaan na mapapatunayang korap at nagnakaw sa kaban ng bayan. Sa pamamagitan nito, matigil na kaya ang mga politikong magnanakaw sa ginagawa nilang pangungulimbat ng milyon-milyon, daang milyon, bilyong pisong pera ng bayan? O tanging mga ordinaryong magnanakaw lamang–mga maliliit na isda–ang mapaparusahan, dahil ang lahat ay dadaan pa rin sa due process? At makapagpapatuloy pa rin sa kanilang pandarambong ang mga politikong magnanakaw na nagpapanggap na lingkod bayan. Think about it. #TedFailonAndDJChaCha #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV…
Sa inilabas na Executive Order No. 62 ni Pres. Bongbong Marcos noong Hunyo 2024 na nagbaba ng taripa sa imported rice, inasahan ng gobyerno na bababa rin ang presyo ng bigas sa mga palengke. Bilyon-bilyong piso na ang nawalang pera ng bayan dahil sa pagpapababa ng taripa subalit hanggang ngayon ang pangakong mababang presyo ng bigas ng Kagawaran ng Agrikultura ay hindi pa rin nangyayari. Bagkus ay mas yumaman pa raw ang importers at traders ng imported na bigas dulot ng pagbaba ng taripa na ibinulsa lang naman ng mga trader. Mga mapagsamantalang traders at importers na hanggang ngayon ay hindi matukoy at matugis ng gobyerno sa kabila ng bilyon-bilyong pisong pondo para sa kanilang confidential at intelligence funds. Kaya naman ang pangakong murang bigas, ay nauwi lamang sa puro paasa! Think about it. #TedFailonAndDJChaCha #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV…
Sinasabing may demokrasya sa Pilipinas sapagkat inihahalal natin ang mga lider ng bansa sa pamamagitannnt umano'y malayang halalan. Subalit demokrasya rin ang madalas na pangsalag ng mga dumidepensa kapag may kumukwestyon sa ginagawang pagpapatakbo ng gobyerno sa Pilipinas. Sa kasalukuyang komposisyon ng mga nagtatabaang dinastiya sa Senado at Kamara de Representante at mga lokal na pamahalaan, at sa nangyayaring paghahari ng mga bilyonaryo at negosyante sa ating lehislatura, umiiral ba talaga ang tunay na demokrasya sa Pilipinas? Tunay bang malaya ang ating bayan kung mangilan-ngilan na lang ang naglalakas loob na banggain ang kabuktutan ng mga dambuhala't makapangyarihang angkan sa buong bansa? Think about it. #TedFailonAndDJChaCha #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV…
#TedFailonandDJChaCha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19! Ang Universal Health Care Act at ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang dapat sana'y sandalan ng mga Pilipino sa panahon ng pagkakasakit. Subalit bigo sila sa pagpapatupad ng mandatong ito. At mas lalo pang magtitiis ang mga Pilipino sa barat na benepisyo ng PhilHealth dahil sa susunod na taon ay wala nang ilalaan na pera ang national government para sa korporasyon. Kaltas ang budget para sa kalusugan ng mga Pilipino, pero may dagdag na bilyon-bilyong pisong pondo para sa DPWH, AKAP at nagbigay din ng dagdag panggastos para sa Kamara de Representante. Ang ilang opisyal ng gobyerno na swapang sa pera ang dahilan kung bakit maraming hikahos na Pilipino ang hindi malaman kung saan kukuha ng pampaospital at walang magawa kundi magmakaawa sa mga pulitiko. Mga swapang na pulitiko na dahilan kung bakit ikinamamatay na lang ng iba ang paghihintay sa pambayad sa ospital. Think about it. #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV…
#TedFailonandDJChacha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19! Bicameral Conference Committee. Bicam. Ang pagpupulong ng mga kinatawan ng House of Representatives at Senado, para pag-usapan at desisyunan ang hindi pinagkakasunduang mga probisyon sa isang panukalang batas gaya ng panukalang pambansang budget. Iminamandato ng ating Konstitusyon — maliban lamang sa usaping may kinalaman sa pambansang seguridad — na ang lahat ng pinag-uusapan sa bawat kapulungan ng Kongreso ay may rekord na dapat ding inilalathala para sa kaalaman ng publiko. Transparency ang diwa ng probisyong ito, o ang pagiging bukas sa publiko ng Kongreso sa mga deliberasyon at desisyon ng mga miyembro nito. Pero tila hindi nasusunod ang probisyong ito ng Saligang Batas sa ginagawang pagpupulong ng Bicameral Conference Committee sa ating pambansang budget. Kung kaya’t kapag naging ganap na batas na ang pambansang budget, doon lamang lumalabas ang mga naisingit na probisyon sa bicam tulad ng pagkuha sa sobrang pondo ng PhilHealth at paglalaan ng labis na pera para sa isang ayuda program na wala naman sa panukalang budget ng Malacañang — mga probisyon na ikinagulat hindi lang ng publiko, kundi pati ng mga senador at ilang kongresista. Sa haba ng panahon at laki ng gastos para sa deliberasyon ng pambansang budget, ang sasabihin lang ng mga mambabatas ay, “Nalusutan kami?” Kung mismong ang mga senador at mga kongresista ay nalulusutan ng sabwatan sa pera ng bayan, paano pa kaya tayong mga pangkaraniwang mamamayan? Think about it. #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV…
Inyo bang naaalala ang dalawang hypercar na Red at Blue Bugatti na tumawag sa atensyon hindi lamang ng publiko kundi maging ng Senado dahil nalantad na ang dalawang bugatti ay smuggled at ang mga plaka at rehistro ay kwestyunable? Ibinebenta na ng Bureau of Customs (BOC) ang mga isinukong hypercar pero wala pa ring balita kung sino ang mga smuggler at mga kasabwat sa BOC at Land Transportation Office (LTO) kung saan nairehistro ang mga ito. Tikom na ang bibig ng pamunuan ng BOC at LTO. At kahit naghain na ng resolusyon sa Senado tungkol sa umano'y talamak na smuggling ng luxury cars ay wala ni isang pagdinig na ipinatawag. Kung sa isyung ito ng mga hypercar ay wala pa ring nailalatantad na nasa likod ng illegal smuggling kahit na klaro na ang lahat ng pangyayari at suportado pa ng mga dokumento para tukuyin kung sino-sino ang mga nagkuntsabahan, paano pa sa marami pang kuntsabahan na ginagawa ng nga tiwaling kawani ng pamahalaan? Think about it. #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV…
#TedFailonandDJChacha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19! Umuugong ang usap-usapan tungkol sa posibleng paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa hindi maipaliwanag na paggasta ng confidential funds ng tanggapan ng bise presidente at ng DepEd sa panahon ng panunungkulan niya bilang kalihim ng ahensya. Ang impeachment ay isang paraan ng pagpapanagot sa mga matataas na opisyal ng bayan. Isa itong constitutional duty ng dalawang kapulungan ng Kongreso. Sa kasaysayan ng Pilipinas, iisa pa lamang ang impeachment process na natapos at nauwi sa conviction at pagkakatanggal sa pwesto ng isang dating Chief Justice ng bansa. Kung susuriin ang reyalidad na kasalukuyang nangyayari sa ating bayan at politika na umiiral sa dalawang kapulungan ng Kongreso, maging ang namamayaning klima ng ating halalan sa ngayon, maaari nga bang maalis sa pwesto si VP Sara sa pamamagitan ng impeachment process? Taglay nga ba ng mga miyembro ng dalawang kapulungan ng ating Kongreso ang diwa at prinsipyo ng Konstitusyon para mapanagot ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan na nagkasala sa ating bayan? Think about it.…
Kahirapan at mataas na antas ng korapsyon–ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nanguna ang Pilipinas sa pinakabagong World Risk Index o listahan ng mga bansang mas matindi ang nararanasang epekto sa pagtama ng mga sakuna. Naaabuso ang salitang "resilient" na katangian ng mga Pilipino sa panahon ng kalamidad kaya kapag natapos na ang bagyo at nakapamudmod na ng relief goods ang pamahalaan at ang mga politiko, tuloy lang ulit ang buhay ng mga biktima. Magkaroon man ng imbestigasyon sa sanhi ng kalamidad at pagbaha, wala namang napapanagot na mga tao na nagkulang sa pagpapatupad ng flood control projects ng gobyerno. Higit sa mga natural na sakuna na hinaharap ng Pilipinas taun-taon ay ang hindi matapos-tapos na kalamidad na dulot ng kasakiman ng mga tao sa bilyon-bilyong pisong pera ng bayan na nakalaan sa mga proyektong kailangan para mabawasan ang pagbabaha. At ang masakit na trahedya ay ang pananahimik at mistulang pagpayag na lamang ng mga Pilipino na mangyari ang kasakimang ito sa ating bayan. Think about it.…
Lumalabas sa pinakahuling pagtatanong ng Social Weather Stations (SWS) na higit 16 milyong pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap. Ngayong taon lamang, ang Kongreso ay naglaan ng higit 160 bilyong piso para sa pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng mga programang 4Ps, AKAP at AICS, na kung susuriin ay halos pare-pareho naman ang mga benepisyong ibinibigay—mga programang inuulan ng litrato, tarpaulin at presensya ng ilang mga pulitiko tuwing may bigayan. Iba pa ang 4Ps, AKAP at AICS sa mga subsidiya mula sa iba pang mga departamento ng pamahalaan kagaya ng TUPAD ng DOLE, na kahirapan ng mga Pilipino pa rin ang gustong solusyunan. Habang patuloy na lumalaki ang inilalaang pera ng bayan para sugpuin ang kahirapan, bakit patuloy namang dumarami ang mga Pilipinong nagsasabing sila ay naghihirap? Kaya tuloy ang ilang pulitiko tila sa kahirapan din namumuhunan para utuin ang taong-bayan. Think about it.…
Ang diwa ng party-list system sa Saligang Batas ay para magkaroon ng representante sa Kongreso ang mga miyembro ng lipunan na tinaguriang marginalized, o mga sektor na hindi binibigyang halaga, at underrepresented, o mga sektor na kulang ang representasyon. Ngunit sa nagdaang party-list elections, lalong lumilinaw ang katotohanan na nasasalaula na ang busilak na adhikain ng party-list system. Sa pag-aaral na ginawa ng election watchdog na Kontra Daya noong 2022 elections, may mga party-list group na may koneksyon sa political dynasties, malalaking negosyo, at maging sa gobyerno at militar, at ang iba’y hindi klaro ang adbokasiya. Nangyayari ito nang dahil na rin sa desisyon ng Korte Suprema na ang tumatakbong party o organisasyon ay hindi na kinakailangang nakahanay sa anumang sektor at hindi na kailangang kumatawan sa mga marginalized at underrepresented. Sapat na ang pagkakaroon ng adbokasiya para sa ipinaglalabang sektor. Papayagan na lang ba natin na magtuloy-tuloy at lalo pang tumindi ang kabuktutan sa party-list system? Think about it.…
Ipinangako ng mga taong gobyerno na nag-apruba sa Executive Order No. 62 noong Hunyo na ang kautusan na ito ay magpapababa sa presyo ng bigas at magpapatatag sa supply nito. Kaya sa harap ng maingay na protesta ng iba't-ibang grupo sa sektor ng agrikultura, itinuloy ang pagpapatupad sa EO 62, na nagmamandatong ibaba ang taripa o buwis sa pag-aangkat ng bigas sa 15%, mula 35%. Dahil dito, umaasa ang ating mga mamamayan na bababa ang presyo ng bigas. Subalit sa kabila ng paulit-ulit na pangako ng mga taga Department of Agriculture, National Economic and Development Authority, at iba pang mga opisyal ng gobyerno, ang katotohanan ay sa halip na bumaba ang presyo ng bigas, ito ay nananatiling mataas. At ang pangako ng gobyerno na pagbaba ng presyo ng bigas ay nananatiling pangako na nanganganak pa ng mga pangako na puno rin ng kasinungalingan. Think about it. #TedFailonandDJChacha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM…
Sa naganap na mga hearing kamakailan lamang sa 2025 budget ng DOTr at DPWH, tila nagulat at naguluhan ang ilang miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso na nawalan ng pondo ang malalaki at pangunahing proyekto ng dalawang ahensya na ito—mga reaksyon na mahirap tanggapin dahil sila rin naman ang gumawa at nag-apruba sa pambansang budget noong nakaraang taon. Ang paghahanda sa taunang pambansang budget ay isang mabusisi, mahaba at magastos na proseso upang matukoy ang mga pinakaimportanteng programa at proyekto ng gobyerno na dapat paglaanan ng pondo. Ngunit ang napakahalagang proseso na ito ay nawawalan ng saysay dahil sa umiiral na time-honored tradition ng pagbabago at pagsingit sa budget sa deliberasyon ng bicameral conference committee, na agad namang inaaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso. Time-honored tradition na isinasangkalan para dumulas ang budget ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, maging budget ng Senado at Kamara de Representantes. Nawawalan ng kabuluhan ang dapat sana ay mahigpit at masinsinang pagsuyod sa pambansang budget na paglalaanan ng pera ng bayan dahil sa maling tradisyon ng Kongreso at kawalan ng dangal ng maraming pulitiko. Think about it.#ThinkAboutIt #TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM…
Isa sa mga diwa at adhikain ng ating demokrasya ay ang prinsipyo ng checks and balances. Sa tatlong sangay ng gobyerno, poder ng Kongreso na aralin, suriin, at pangalagaan ang paggasta sa pera ng bayan. Kung totoo ngang gumagana ang prinsipyo ng checks and balances sa Pilipinas, bakit mabilis na inaaprubahan ng mga mambabatas ang budget ng iba't-ibang mga departamento na nakitaan ng COA ng iregularidad at pag-aaksaya sa paggasta, kabilang ang sinasabing Notice of Disallowances, at hindi man lang pinagpapaliwanag kung paano nila ito tinutugunan at isinasaayos? At kung sila-sila ring mga mambabatas ang mag-aapruba sa budget ng dalawang kapulungan ng Kongreso, sino ang bubusisi sa mga bumubusisi? Paano maisasadiwa ang check and balance sa sangay ng gobyerno na pinagkalooban ng Power of the Purse? Think about it.…
Paglago ng ekonomiya, pagbaba ng antas ng kahirapan—iyan ang malugod na inanunsyo ng ating gobyerno kamakailan lamang. Ngunit kung susuriin ang 2023 Poverty Statistics na inilathala ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas na ang mga rehiyon na may mas mataas na inflation rate at mas mababa pa sa P450 ang daily minimum wage, ay siya ring mga rehiyon na marami ang bilang ng mga Pilipinong naghihirap. Sa mahal ng gastusin at barat na arawang sahod, hindi naaabot ng mga mamamayan sa mga rehiyon na ito ang poverty threshold na itinakda ng PSA para maituring silang non-poor population. Subalit, tunay nga bang may reklamo ang mga manggagawa at pamilyang naghihirap sa mga rehiyon na ito? O sila'y parte ng ating lipunan na patuloy lamang na nagtitiis at nananahimik sa gitna ng maliwanag na inhustisya na nangyayari sa kanilang probinsya, at sa ating bayan? Think about it.…
Bem vindo ao Player FM!
O Player FM procura na web por podcasts de alta qualidade para você curtir agora mesmo. É o melhor app de podcast e funciona no Android, iPhone e web. Inscreva-se para sincronizar as assinaturas entre os dispositivos.