Ang Pinoy na Nakalaban ni LOMACHENKO sa Huling Laban Niya Bilang Amateur Boxer | Charly Suarez
Manage episode 348490054 series 3263199
Bago pa maging isa sa pinakamahusay na pound for pound boxer ang tinaguriang The Matrix na si Lomachenko, nagtala muna ito ng impresibong record na 396 wins at 1 loss bilang amateur boxer. Ang natatanging talo niya sa kanyang amateur career ay nagmula pa noong 2007 AIBA World Boxing championship ng matalo siya sa Gold Medal match kalaban ang russian boxer na si Albert Selimov at tanghalin bilang silver medalist sa Featherweight division. Dito ay minsan niyang nakasabay ang ating pambato na si Harry Tañamor na naguwi din ng silver medal para sa Light Flyweight division at iba pang boxers na nagsimula sa AIBA kagaya nina Nordine Oubaali, Raushee Warren at Amnat Ruenroeng. Mula sa pangyayari na un, hindi na muling natalo si Loma na nagbunga naman ng dalawang Gold medals noong 2008 at 2012 Olympic Games.
http://phsportshistory.com/
--- Support this podcast: https://podcasters.spotify.com/pod/show/philippine-sports-history/support40 episódios